^

Probinsiya

Mayor sinuspinde ng Ombudsman

-
MALOLOS CITY, Bulacan – Anim na buwang suspensyon ang inihatol ng Ombudsman sa alkalde ng bayan ng San Miguel makaraang mapatunayang nangulekta ng illegal na pass way fee mula sa mga trak na humahakot ng marmol.

Sa 10-pahinang desisyon ni Ombudsman Merceditas Guttierez, napatunayang lumabag sa batas si Mayor Edmundo Jose Buencamino ng San Miguel, Bulacan.

Si Buencamino ay inereklamo sa Ombudsman ni Engr. Constantino Pascual, pangulo ng Rosemoor Mining and Development Corporation ng kasong grave misconduct, abuse of authority at conduct prejudicial to the interest of the service noong 2004, subalit noon lamang Abril 24, 2006 nadesisyunan ang kaso at noong Hulyo 31, 2006 lamang natanggap ang kopya nito.

Base sa reklamong isinampa ni Pascual laban kay Mayor Buencamino, tinatayang aabot sa P12-milyon ang nakolekta ng nabanggit na opisyal mula sa kanyang mga trak na dumaraan sa bayan ng San Miguel bilang pass way fee.

Ayon kay Pascual, hindi sa kaban ng bayan napunta ang mga nakolekta sa kanya, subalit pinabulaanan naman ito ng alkalde.

"This only shows that the official receipts allegedly issued by the Municipal Treasurer were just manufactured, because it was not signed by Marciano T. Cruz," pahayag ng Ombudsman. Iginiit naman ni Buencamino na naaayon sa batas pambayan ang kanyang naging pagkilos. Tinangkang hingan ng PSN ang panig ni Mayor Buencamino sa kanyang suspension, subalit hindi ito nakontak sa celfone. (Dino Balabo)

BULACAN

CONSTANTINO PASCUAL

DINO BALABO

MARCIANO T

MAYOR BUENCAMINO

MAYOR EDMUNDO JOSE BUENCAMINO

MUNICIPAL TREASURER

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTTIEREZ

ROSEMOOR MINING AND DEVELOPMENT CORPORATION

SAN MIGUEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with