Vice mayor, 8 konsehal sinuspinde
August 3, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ng Quezon na suspindihin ang kasalukuyang vice mayor at walong konsehal sa bayan ng General Nakar dahil sa ibat ibang kasong kinakaharap, kabilang na rito ang pagpigil sa pag-upo nang nanalong municipal mayor.
Sa resolusyong ipinasa ng Sangguniang Panlalawigan ay napatunayang lumabag sina Vice Mayor Bobby Portillo, at ang walong konsehal ng nabanggit na bayan na nahaharap ngayon sa kasong administratibo.
Nagsimula ang nasabing kaso nang hindi kinilala ng mga inakusahan na lehitimong Mayor si Hernando Avellaneda ng General Nakar makaraang matalo sa bilangan at magprotesta si dating Mayor Leovigildo Rozul sa nakalipas na 2004 elections.
Nabalot nang tensyon ang nabanggit na bayan dahil sa pag-aagawan ng puwesto na humantong sa pagiging dalawa ang nakaupong alkalde.
Subalit sa naging desisyon ng Comelec noong Enero 2006, hinirang si Avellaneda bilang lehitimong mayor, na sinuportahan naman ng DILG at Malacañang.
Sa kabila nito ay hindi pa rin sinunod ng mga opisyal ng lokal na pamahalaan ng General Nakar ang nasabing desisyon at maging ang mga pirma ni Mayor Avellaneda sa mga transaksyon kaya naantala ang pasahod sa mga kawani at naapektuhan din ang social services, proyekto at inprastraktura na ipapagawa ng pamahalaan bayan.
Animnapung araw na suspension ang ipinataw na inirekomenda ng mga Bokal ng lalawigan para aprobahan ni Governor Willie Enverga. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest