^

Probinsiya

4 holdaper bulagta sa bakbakan

-
LIPA CITY, Batangas – Nagwakas ang landas ng apat na kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na holdaper na bumibiktima ng mga negosyante makaraang mapatay sa pakikipagbarilan sa mga tauhan ng pulisya sa Barangay 5, Lipa City, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Isa sa apat na napatay ay nakilalang si Alvin Magtibay, 17, ng Barangay Pinagkawitan, Lipa City, samantalang ang tatlo ay bineberipika pa ang pagkikilanlan.

Sa ulat na isinumite kay P/Senior Superintendent David Quimio, hepe ng pulisya sa Lipa City, bandang alauna y medya ng madaling-araw nang mapansin ng mga tauhan ni Quimio na nagpapatrulya na bahagyang nakabukas ang Rey Video Studio at Rey Watch Repair Shop sa A. Mabini Street na sakop ng nabanggit na barangay.

Upang makasiguro na may-ari ang nasa loob ng naturang establisimyento ay lumapit ang mga tauhan ng pulisya upang usisain, subalit sinalubong sila ng sunud-sunod na putok ng baril ng apat na holdaper.

Dahil sumablay ang apat ay nakipagbarilan naman ang patrol team sa pangunguna ni SPO4 Felipe Parra hanggang sa bumulagta ang dalawa, samantalang idineklara namang patay sa NL Villa Hospital ang dalawa pa matapos ang madugong bakbakan.

Sa pahayag ni Quimio sa PSN, posibleng miyembro ang apat na suspek sa grupong Tetano robbery hold-up gang na nambibiktima ng mga negosyante sa nabanggit na lungsod at karatig bayan.

"Itong grupo ang posibleng responsable sa sunud-sunod na celfone snatching, holdapan, tutok-kalawit at street killings na naganap kamakailan lang dito sa Lipa City," dagdag pa ni Quimio.

Narekober sa crime scene ang isang caliber .38 at dalawang basyo, 2-bala ng caliber .38, isang improvised revolver na may bala ng M-16 Armalite rifle, ladies bags, tatlong relos, isang belt battery charger, isang video battery, tatlong camera flash at apat na camera zoom lenses. (Arnell Ozaeta)

vuukle comment

ALVIN MAGTIBAY

ARNELL OZAETA

BARANGAY PINAGKAWITAN

BATANGAS

FELIPE PARRA

LIPA CITY

MABINI STREET

QUIMIO

REY VIDEO STUDIO

REY WATCH REPAIR SHOP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with