^

Probinsiya

Misis naaktuhang kasiping ng lover

-
CAVITE – Nalalagay sa balag ng alanganing makulong ang isang 30-anyos na misis makaraang maaktuhan ng sariling mister na nakikipagtalik ang una sa kanyang kalaguyo sa Barangay Caridad, Cavite City, Cavite, kahapon ng madaling-araw. Pormal na sinampahan ng kaukulang kaso ang pinaniniwalaang magkalaguyong sina Ruth Protacio at Warren Canlas, 34, ng Barangay Medicion, Imus, Cavite. Ayon sa pulisya, naaktuhang nagtatalik ang dalawa matapos na magtungo ang mister ni Ruth na si Romulo sa bahay ng mga magulang ng babae sa De Guzman Street, Caridad, Cavite City. Dahil sa nasaksihang insidente ay nasaksak ni Romulo sa braso si Canlas. Hindi naman kaagad nakuha ang panig ng dalawa. (Cristina Timbang)
Mag-utol na lalaki nagpatayan
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Aksidenteng napatay ang isang-50 anyos na mister ng kanyang nakababatang kapatid na lalaki matapos na makalabit nito ang gatilyo ng shotgun habang nag-aagawan ng baril ang mag-utol sa Barangay Buluang, Baao, Camarines Sur kahapon ng madaling-araw. Sapol sa dibdib ng bala ng shotgun ang biktimang si Bartolome Bogtong, samantalang sumuko sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Eduardo Bogtong, 38, kapwa naninirahan sa nabanggit na barangay. Napag-alamang nagtungo ang biktimang senglot sa bahay ng kanyang utol at nagsisigaw. Hindi naman umiimik ang suspek hanggang sa batuhin ng biktima ang bahay ng kanyang utol na ikinagalit naman nito. Kumuha ng shotgun ang suspek at aktong itututok, subalit nagpambuno ang mag-utol hanggang sa makalawit ni kamatayan ang biktima. (Ed Casulla)
Pulis todas sa pananambang
CAMP CRAME – Isa na namang tauhan ng pulisya ang tinambangan at napatay ng dalawang armadong kalalakihan sa kahabaan ng San Jose Highway sa harapan ng opisina ng Globe telecom sa Zamboanga City kamakalawa ng umaga. Napuruhan sa katawan ang biktimang si PO2 Yasser Jumbiron, nakatalaga sa Zamboanga City Provincial Police Office (PPO). Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Crame, sakay ng motorsiklo (LL-1877) ang biktima nang dikitan ng isa ring motorsiklo na lulan ng dalawang armadong lalaki. Sunud-sunod na putok ang umalingawngaw at tumilapon ang biktima sa kinasasakyang motorsiklo. (Joy Cantos)
Waiter dedo sa sumabog na granada
SAN LEONARDO, Nueva Ecija – Maagang kinarit ni kamatayan ang isang 20-anyos na waiter habang labing-isa naman ang nasugatan makaraang sumabog ang inihagis na granada ng isang drayber sa loob ng beerhouse sa Maharlika Highway sa Brgy. Diversion, San Leonardo, Nueva Ecija noong Sabado ng gabi. Kinilala ang nasawing si Jernie Jan Legaspi ng Barangay Taniong, Malabon, Manila. Nasugatan naman sina Omar Abillon, Jeffrey Tomas, Ronnie dela Cruz, Joel Mendoza, Peter dela Cruz, Eddie Nagalog, at Vincent Salvatiera. Nasa kritikal na kalagayan sina Alexander Ciriaco, Angelito Valmonte, Rea Valentos at Lovely Grafil. Nasakote naman ang dalawang suspek na sina Aquino Garcia ng Barangay Pambuan, Gapan City at Mel Montemayor ng Sitio Bagong Barrio, Pambuan. Napag-alamang nakipagtalo ang mga suspek sa isang operator ng videoke bar tungkol sa nawawalang celfone sa loob ng Beer Plaza Videoke Bar at tinangkang payapain ang dalawa na lango na sa alak. Agad na umalis ang mga suspek at pagbalik ay naghagis ng granada. (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

ALEXANDER CIRIACO

ANGELITO VALMONTE

AQUINO GARCIA

BARANGAY BULUANG

BARANGAY CARIDAD

BARANGAY MEDICION

BARANGAY PAMBUAN

CAVITE CITY

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with