^

Probinsiya

PNP vs NPA: 8 patay, 4 pulis sugatan

-
SORSOGON – Lalong pinatindi ng mga rebeldeng New People’s Army ang isinagawang opensiba laban sa pamahalaang Arroyo makaraang salakayin ang bayang ng Matnog na ikinasawi ng isang kumander ng Phil. Coast Guard habang pito naman ang nalagas sa mga rebelde kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat na isinumite ni P/Senior Supt. Joel Regondola, provincial director kay P/Chief Supt. Victor Boco, regional director, bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang salakayin ang nabanggit na bayan ng mga rebeldeng lulan ng isang pampasaherong bus na may plakang EVP-454, limang jeepney at ambulansya mula sa bahagi ng Samar.

Hindi naman nawalan ng loob ang mga tauhan ng pulisya na nakipagbarilan sa mga sumalakay na rebelde hanggang sa bumulagta sa harapan ng himpilan ng pulisya ang tatlong armadong NPA na nakasuot ng sweatshirt na kulay itim na may kulay pulang tali sa braso.

Halos magkabutas-butas ang himpilan ng pulisya maging ang mga gamit at nawasak dahil sa malakas na kalibre ng baril mula sa umatakeng rebelde.

Napag-alamang nagkahiwa-hiwalay ang mga rebelde sa pag-atake sa nasabing bayan na partikular na pinuntirya ang pantalan na ikinasawi ni Petty Officer 1 Armando Penilio ng Phil. Coast Guard, habang sugatan naman si 1st Class Seaman Nelson Haso at ibang sibilyang hindi nabatid ang mga pangalan.

Kabilang sa mga nasugatang pulis ay sina SPO3 Henry Colico, PO1 Danli Haloc na pawang nakatalaga sa himpilan ng pulisya, samantalang sina SPO3s Edgardo Masarte at Enrico Kilang ay miyembro ng Traffic Management Group.

Bandang alas-6 ng umaga nang magsitakas ang mga rebelde, subalit nakasagupa naman ang tropa ng 21st Infantry Battalion ng Phil. Army kaya nalagas ang apat pang rebelde na kasalukuyang bineberipika ang pagkikilanlan habang marami pa ang sugatan.

Napigil din ng mga tauhan ng pulisya ang pagsabog ng dalawang bomba na itinanim ng mga rebelde sa ibabaw ng tulay sa pagitan ng Barangay Banuang Daan at Barangay Tablac.

Wala namang magawa ang mga residente kundi ang magkubli sa kanilang tahanan at maging si Matnog Mayor Guillermo Su ay hindi makapaniwala sa isinagawa ng mga rebelde.

Inirekomenda namang mabigyan ng spot promotion ni P/Chief Supt.Victor Boco, ang mga pulis na sina P/Senior Insp. Jesus Callada, SPO1 Emiliano Ramos, SPO3 Henry Colico, PO1 Dati Haloc, PO1 Edward Geolane, PO2 Rodel Grayba, PO1 Ernesto Raquel, PO1 Roel Villamin, SPO1 Emilliano Ramos V, PO2 Menardo Garcera, PO2 Noli Carbito, at PO3 Arnel Gandugal na pawang paparangalan sa pagbisita ngayon ni PNP Chief Director General Oscar Calderon.

Narekober ng mga awtoridad ang tatlong M16 Armalite rifles, mga bala ng M203 rifle, mga personal na kagamitan ng mga nasawing mga rebelde na iniwanan ng kanilang mga kasamahan.

Nauna nang natunugan ng mga awtoridad na may sasalakaying bayan ang mga rebelde kaya itinaas ang red alert sa buong Sorsogon kaya pumalpak ang NPA attack. (Ed Casulla at may dagdag ulat ni Angie Dela Cruz)

ANGIE DELA CRUZ

ARMANDO PENILIO

ARNEL GANDUGAL

BARANGAY BANUANG DAAN

CHIEF SUPT

COAST GUARD

HENRY COLICO

REBELDE

VICTOR BOCO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with