^

Probinsiya

Van vs ‘siklo: 2 todas, 4 sugatan

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Tumilapon sa ere bago lumagapak sa sementong kalsada ang dalawang sibilyang nasawi matapos na masalpok ng van ang kasalubong na sinasakyang motorsiklo ng mga biktima sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Banao sa bayan ng Guinobatan, Albay, kamakalawa ng gabi. Hindi na umabot ng buhay sa ospital sina Edilberto Intic, 40, ng Barangay Ilawod, Guinobatan at Jose Arnaldo, 34, ng Barangay Lumacao. Sugatan naman sina Bunny Lou, Sofia Javires, Mae Sta. Rosa at Nierva Ventenilla na pawang mga pasahero ng pampasaherong van na may plakang EVM-228. Kasalukuyang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang drayber ng van na si Abner Asnaza at pormal na kakasuhan. (Ed Casulla)

vuukle comment

ABNER ASNAZA

BARANGAY BANAO

BARANGAY ILAWOD

BARANGAY LUMACAO

BUNNY LOU

ED CASULLA

EDILBERTO INTIC

GUINOBATAN

JOSE ARNALDO

LEGAZPI CITY

MAE STA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with