^

Probinsiya

5 landmine itinanim ng rebels, pinasabog

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Limang mga improvised landmine ang pinasabog ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal Team (EODT) ng militar matapos na hindi sumabog ang itinanim ng mga miyembro ng New People’s Army (NPA) nang matagpuan sa tabi ng kalsada sa Maharlika Highway sa Sitio Pecuaria, Brgy. Pawili, Bula, Camarines Sur kamakalawa.

Ayon kay Major Ronald Rosario ng Civil Relation Service (CRS) ng AFP na ang mga bomba ay natagpuan dakong alas-10:30 ng umaga ng isang magsasaka matapos na masagi ang detonating cord nito subalit hindi sumabog.

Dakong alas-3 na ng hapon nang pasabugin ang mga bomba ng EODT na nagresulta ng pagsisikip ng daloy ng trapiko sa nasabing lugar.

Nabatid na 8 improvised landmine ang itinanim ng mga rebelde kamakalawa matapos na tambangan ang mga miyembro ng 65th IB ng Phil. Army na nakabase sa Barangay Tula-Tula, Ligao City na kung saan nasugatan si Pfc. Suliman Puddin habang sila ay papadaan sa naturang lugar. Tatlo sa 8 bombang itinanim lamang ang matagumpay na napasabog ng mga rebelde at lima ang narekober.

Ang naturang mga bomba ay pinasasabog ng isang remote control na hawak ng rebelde ng mapadaan ang mga sundalo sa lugar habang ang mga ito ay patunggo sa himpilan ng 9ID ng Phil. Army sa bayan ng Pili, Camarines Sur.

Ang landmine ay gawa sa plastic container na may ammonium nitrate, shrapnel, electric blasting cops na may bigat na dalawang kilo. (Ed Casulla)

vuukle comment

BARANGAY TULA-TULA

CAMARINES SUR

CIVIL RELATION SERVICE

ED CASULLA

EXPLOSIVE ORDNANCE DISPOSAL TEAM

LEGAZPI CITY

LIGAO CITY

MAHARLIKA HIGHWAY

MAJOR RONALD ROSARIO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with