3 dinakma sa pagkakalat ng ebak
June 30, 2006 | 12:00am
CAVITE Naging perwisyo sa kalusugan ng taumbayan ang ginawang pambababoy ng tatlong kawani ng excavation services kaya dinakip ng pulisya matapos na maaktuhang nagtatapon ng toneladang ebak sa bahagi ng Barangay Pasong Buaya1, Imus, Cavite kamakalawa ng gabi. Pormal na kinasuhan sa prosecutors office ang mga suspek na sina Ruben L.Alvarez, 35, drayber at residente ng St. Michael Subd., Talaba 7; Joseph M. Dantaya, 31; at Danilo B. Bonavente, 52, supervisor, kapwa residente ng Talaba 4, Bacoor, Cavite. Ayon kay PO1 Malvin Santos, ang mga suspek ay namataang bumaba sa truck at ilang sandali ay pinakawalan ang toneladang ebak mula sa poso-negro na kanilang sinerbisyuhan kaya agad silang sinita at dinakip. (Cristina Timbang at Lolit Yamsuan)
CAVITE Isang 32-anyos na mister na pinaniniwalaang kinasuhan ng pagnanakaw ng dati nitong pinapasukang kumpanya ang napaulat na kinidnap ng mga hindi kilalang kalalakihan habang ang biktima ay nagmamaneho ng kanyang kotse sa bahagi ng Barangay Buhay na Tubig sa bayan ng Imus, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kinilala ni P/Supt Efren Castro, ang biktima na si Israel Garcia ng Block19, Lot12 Osorio St., Barangay Maharlika, Imus, Cavite.
Kasalukuyang sinisilip ng pulisya kung ang naganap na insidente ay may kaugnayan sa pagkakasibak sa trabaho ng biktima. (Cristina Timbang)
LEGAZPI CITY Malagim na kamatayan ang sinapit ng isang sanggol makaraang mapugutan habang dinudukot ng kumadrona sa sinapupunan ng inang nanganganak sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Pinit, Ligao City, kamakalawa ng gabi.
Ang misis na ginagamot ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay kinilalang si Salvacion Adra, 38, na tatlong araw nang humihilab ang tiyan sa anim na buwang pagbubuntis. Ayon sa ulat, patay na ang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina kaya nang dukutin ng kumadrona ay naputol ang ulo.
Agad naman nailibing ang sanggol na hindi nabatid ang pangalan matapos na makuha ang katawan sa tiyan ni Salvacion. (Ed Casulla)
Kinilala ni P/Supt Efren Castro, ang biktima na si Israel Garcia ng Block19, Lot12 Osorio St., Barangay Maharlika, Imus, Cavite.
Kasalukuyang sinisilip ng pulisya kung ang naganap na insidente ay may kaugnayan sa pagkakasibak sa trabaho ng biktima. (Cristina Timbang)
Ang misis na ginagamot ngayon sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital ay kinilalang si Salvacion Adra, 38, na tatlong araw nang humihilab ang tiyan sa anim na buwang pagbubuntis. Ayon sa ulat, patay na ang sanggol mula sa sinapupunan ng kanyang ina kaya nang dukutin ng kumadrona ay naputol ang ulo.
Agad naman nailibing ang sanggol na hindi nabatid ang pangalan matapos na makuha ang katawan sa tiyan ni Salvacion. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 7, 2025 - 12:00am