2 bandido todas sa encounter
June 29, 2006 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Dalawang armadong bandido ang napatay sa pakikipagsagupaan sa tropa ng millitar sa mabundok na bahagi ng Sitio Sual, Barangay Kilangan sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao kahapon ng umaga. Kinilala ang mga napatay na sina Daturin Kalis at Abdulah Kalis na nakumpiskahan ng M-14 rifle, samantalang sugatan naman ang isang kasapi ng Civilian Volunteer Organization na si Northan Putalon. Sa ulat na nakalap mula sa opisina ni Army Chief Lt. Gen. Hermogenes Esperon Jr., nagpapatrulya ang tropa ng Charlie Company ng Armys 40th Infantry Battalion ni 1st Lt. Pinandatu Diocolano kasama ang mga miyembro ng Civilian Volunteer Organization nang sumiklab ang bakbakan laban sa mga bandido. (Joy Cantos)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest