Whitewash sa kasong pagpatay ng Pagadian Vice Mayor, pinangangambahan
June 26, 2006 | 12:00am
Nangangamba ang pamilya ng biktima ng isang karumal-dumal na krimen na makalusot ang pangunahing suspek sa pagpaslang sa kanilang kaanak dahil sa pera at koneksyon nito sa gobyerno.
Ito, ayon sa ina ng biktima na si Gng. Anselma Chan, ay dahil sa mga impormasyong nakalap ng mga ito na gumagamit na ng koneksyon mula sa administrasyon at maging sa Department of Justice (DOJ) ang suspek na si Pagadian City Vice-Mayor Romeo Pulmones para malusutan ang kanyang kaso.
Umiiyak na sinabi ni Gng. Chan na patay na ang anak na si Alexander Louie Chan, 30, at tanging hustisya na lamang ang kanilang hangad para mabigyang katarungan ang inabot nito.
Subalit sa mga sumbong aniya mula sa mga nakiki-simpatya at ilang mga kaibigan ay natatakot sila na madaan sa pera, impluwensiya at koneksyon ang kaso at hindi na paabutin pa ng DOJ sa hukuman upang doon dinggin at desisyunan.
Magugunita na noong Oktubre 10, 2004 ay pa-traydor na binaril at pinatay ang biktimang si Alexander Louie, isang negosyante habang nagsisimba sa Alliance Church sa Pagadian City.
Naaresto ang hitman na si Jerry Laride nito lamang Enero, 2006 kung saan nakuha sa pag-iingat nito ang baril na ginamit sa pamamaslang at itinuro nito si Pulmones na siyang utak sa krimen.
Sa pahayag naman ng isa pang testigo na si Jerry Deran, driver/bodyguard ng ama ng suspek, matindi ang galit ni Vice-Mayor Pulmones sa biktimang si Chan dahil ito ang pinaniniwalaan niyang kabit ng kanyang asawa.
Samantala, nauna nang lumantad sa dxPR-RMN radio station ang isa pa sa mga suspek na si Norhan Amil y Abdul na itinanggi ang kinalaman niya sa krimen subalit inaming kinontrata siya ni Vice-Mayor Pulmones para ipapatay ito habang nasa loob ng simbahan.
Sa kasalukuyan ay tapos na ang preliminary investigation ng DOJ sa kaso laban kina Vice-Mayor Romeo Pulmones at apat na iba pa at hinihintay na lamang ang magiging desisyon nito kung may sapat na basehan umano para i-akyat sa hukuman ang kaso. (Joy Cantos )

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest