^

Probinsiya

Kuya kinatay ni bunso

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Hindi na iginalang ng bunsong kapatid ang nakatatandang utol na lalaki na kanyang pinagtataga hanggang sa mapatay makaraang mapahiya ang una sa kanyang mga kaibigan dahil sa pagkakatanggal ng linya ng kuryente ng huli sa Barangay Balogo, Oas, Albay, kamakalawa ng hapon.

Nagtamo ng maraming sugat sa katawan ang biktimang si Virgilio Palma, 46, may asawa at residente ng Barangay Balinad, Polangui, Albay.

Samantala, ang suspek na kaagad namang sumuko sa pulisya ay kinilalang si Elmer Palma, 38, may asawa at residente ng Barangay Balogo.

Ayon sa pulisya, ang biktima ay bumisita lamang sa bahay ng kanilang magulang at inabutan nito ang kanyang kapatid na nakatira sa kabilang bahay na nagkakantahan gamit ang videoke na kasama ang ilang kaibigan.

Sa hindi inaasahang pagkakataon ay tinanggal ng biktima ang switch ng kuryente sa bahay ng kanilang magulang kung saan ang linya ng kuryente na nakakabit sa videoke kaya natigil pansamantala ang kasiyahan.

Nagalit ang suspek sa ginawa ng kanyang kuya kung saan kaagad nitong kinompronta dahil sa kahihiyan sa kanyang mga kaibigan.

Dahil sa lango na sa alak ang suspek ay kumuha ng itak sa kanilang bahay at nang bumalik ay pinagtataga na ang sariling utol hanggang sa mapatay.

Nang mahimasmasan sa ginawang krimen ay saka sumuko sa mga awtoridad na ngayon ay pormal na sasampahan ng kaukulang kaso. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALBAY

AYON

BARANGAY BALINAD

BARANGAY BALOGO

DAHIL

ED CASULLA

ELMER PALMA

LEGAZPI CITY

NAGALIT

VIRGILIO PALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with