^

Probinsiya

Professor niratrat ng pulis, dedo

-
CAMP CRAME — Imbes na pangalagaan ang seguridad ng mga estudyante sa loob ng school campus ay mismong tauhan ng pulisya ang naghasik ng karahasan makaraang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang college professor ng isang pulis na may kinimkim na galit sa bayan ng Calinog, Iloilo kamakalawa.

Matinding takot ang sumaklob sa mga estudyante matapos na mamataang bumulagta ang biktimang si Moises Dorego, 40, professor sa Calinog Agricultural and Industrial College (CAIC) sa ilalim ng Western Visayas State University (WVSU).

Ang biktima ay nasawi matapos ratratin ng M-16 rifle ng suspek na si PO2 Henry Lego na sumuko naman sa kanyang superior matapos ang krimen na naitala ganap na alas-10 ng umaga.

Sa ulat ni P/Supt. Mariano Palmes, hepe ng pulisya sa bayan ng Calinog, inabangan at sinundan ng suspek ang biktima sa loob ng school campus ng nasabing kolehiyo na agad nitong pinagbabaril.

Napag-alamang nag-ugat ang krimen sa matinding selos ng suspek matapos na mamataan nitong tinatapik sa balikat ang kanyang nobyang si Primrose Lapating na kasama ng biktima na kumakain sa Sunshine Valley Restaurant sa Poblacion may ilang araw na ang nakalilipas.

Ayon pa sa ulat, na panandaliang umalis sa himpilan ng pulisya ang suspek kahit hindi pa tapos ang duty nito at naglakad patungo sa school campus ng nasabing kolehiyo na hindi naman pinansin ng guwardiyang si Vicente Orbino sa pag-aakalang bahagi ito ng ipinatutupad na police visibility.

Ilang saglit pa matapos matiyempuhan ang biktima habang naglalakad ay bigla na lamang pinuntirya na parang ibon ang biktima at matapos bumulagta ay parang walang anumang lumisan sa lugar ang suspek at dumeretso sa kanilang himpilan saka sumuko sa kaniyang superior. (Joy Cantos)

vuukle comment

CALINOG

CALINOG AGRICULTURAL AND INDUSTRIAL COLLEGE

HENRY LEGO

JOY CANTOS

MARIANO PALMES

MOISES DOREGO

PRIMROSE LAPATING

SUNSHINE VALLEY RESTAURANT

VICENTE ORBINO

WESTERN VISAYAS STATE UNIVERSITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with