^

Probinsiya

Ama dinedo ng sariling anak

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Walang pitagan sa mga magulang ang isang 25-anyos na binata makaraang saksakin at mapatay nito ang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Zone 3, Barangay Concepcion Pequena, Naga City kamakalawa ng gabi. Si Elmer Gregorio, 47, ay idineklarang patay sa Bicol Medical Center, samantalang ang suspek na si Bobby James Gregorio na nagtamo ng sugat sa kamay dahil sa taga ng ama ay naghihimas ng rehas na bakal at kasalukuyang inihahanda ang kaukulang kaso. Ayon sa pulisya, sinermunan ng ama ang kanyang anak kaya nagalit ang suspek hanggang sa mauwi sa pamamaslang. (Ed Casulla)
Magkakaibigan niratrat sa inuman
CAVITE – Nabahiran ng dugo ang masayang inuman ng magkakaibigan na ikinasawi ng isa habang dalawan naman ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga armadong kalalakihan sa naganap na karahasan sa Barangay San Vicente 2, Silang, Cavite kahapon ng madaling-araw. Si Roy Ame, 25, ay nagtamo ng tama ng bala sa ulo, habang ginagamot naman sa ospital sina Edwin Vicente, 30; at Gilson Amadure, 26. Ayon kay SPO3 Eduardo Eusebio, magkakasamang nag-iinuman ng alak ang magkakaibigan sa garahe ng bahay ni Ame nang maganap ang insidente. Tinangay ng mga killer ang ilang cell phone ng mga biktima bago tumakas. (Cristina Timbang)
5 patay sa lumubog na bangka
Limang pasahero kabilang na ang tatlong paslit ang iniulat na nasawi makaraang lumubog ang bangkang sinasakyang ng mga biktima sa karagatang sakop ng Capiz, ayon sa ulat Phil. Coast Guard. Kabilang sa mga nalunod na biktima ay sina Reymark Degala, 11; Mariel Tupas, 11; Rye June Fuentes, 6; Reynlyn Fuentes, 16; at Violeta Fuentes, 43. Ayon sa ulat, Patungo ang bangka na pag-aari ni Jerry Ronmalon sa Barangay Binontugan mula sa Barangay Manapaw, Pontevedra, Capiz nang hampasin ng malaking alon. Napag-alamang sampu lamang ang sapat na pasahero ng bangka, subalit pinasakyan ng 25-katao. (Danilo Garcia)
2nd NMD Convention 2006
Idaraos ng Print Media Dealers Organization of the Phils., Inc., ang 2nd Newspaper and Magazine Dealers Convention 2006 sa Development Academy of the Phils. sa Tagaytay City, Cavite, ngayong Huwebes, ika-15 ng Hunyo hanggang 17. Ang nasabing convention ay sinuportahan ng mga kaanib na organisasyon at miyembro mula sa Visayas, Mindanao, Central Luzon, Southern Tagalog, Northern Tagalog partikular sa Metro Manila. Ayon kay Danny Jose, chairman ng organizing committee na ang tema ng convention ay "Dyarista Nagkakaisa" na ang layunin ay magkaisa ang lahat ng newspaper at magazine dealers para mawala ang lahat ang smut tabloid. Para sa karagdagang impormasyon, tumawag kay Louh Tevar sa tel.# 749-9057/Cel.# 0906-2151406.

AYON

BARANGAY BINONTUGAN

BARANGAY CONCEPCION PEQUENA

BARANGAY MANAPAW

BARANGAY SAN VICENTE

BICOL MEDICAL CENTER

BOBBY JAMES GREGORIO

CAPIZ

CAVITE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with