^

Probinsiya

Mag-asawang parak kalaboso

-
CAMP CRAME – Rehas na bakal ang binagsakan ng mag-asawang parak matapos nilang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang isang sibilyang nagsampa ng kasong kriminal laban sa kanila sa bayan ng Calatrava, Rombon kamakalawa.

Nahaharap sa kasong administratibo at kriminal ang mag-asawang pulisya na sina PO2 Honorio Famorcan, 34 at PO1 Ruth Famorcan, 29, na kapwa nakatalaga sa himpilan ng pulisya sa bayang nabanggit.

Kinilala naman ng pulisya ang biktimang si Hesil Pajarito, 39, na pinagtulungang barilin ng mag-asawang suspek sa kahabaan ng Bagong Lipunan Street sa harapan ng Hall of Justice malapit sa Romblon Provincial Police Office na sakop ng Kapitolyo ng Romblon.

Sa ulat ng pulisya, naitala ang krimen ganap na alas-10:30 ng umaga matapos dumalo ng mag-asawang suspek at ng biktima sa paglilitis ng korte.

Napag-alamang sinampahan ng kasong grave threat ng biktima si PO2 Famorcan, subalit maayos namang napagkasunduan na iurong na lang ang nabanggit na kaso.

Gayon pa man, habang naglalakad na ang biktima sa nabanggit na lugar ay biglang hinabol ng mag-asawang suspek na pinaniniwalaang hindi pa nawawala ang kinikimkim na galit at pinagtulungang barilin hanggang sa duguang bumulagta si Pajarito. (Joy Cantos)

vuukle comment

BAGONG LIPUNAN STREET

CALATRAVA

FAMORCAN

GAYON

HALL OF JUSTICE

HESIL PAJARITO

HONORIO FAMORCAN

JOY CANTOS

ROMBLON PROVINCIAL POLICE OFFICE

RUTH FAMORCAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with