Misis pinatay sa sakal ni mister
June 7, 2006 | 12:00am
SAN MATEO, Rizal Ginulpi at sinakal hanggang sa mapatay ang isang 30-anyos na misis ng sariling mister matapos na malaman ng una na hinalay ng kanyang asawa ang kanilang nag-iisang 15-anyos na anak sa Barangay Malanday ng bayang nabanggit, kamakalawa.
Ang bangkay ni Delia Valencia na nagtamo ng maraming pasa sa katawan at halos lumabas ang dila ay natagpuan ng mga barangay tanod sa kanilang bahay sa Sitio Aries.
Samantalang naghihimas ng rehas na bakal ang suspek na si Marcial Valencia, 32 at pormal na sasampahan ng kaukulang kaso.
Sa ulat ni P/Chief Insp. Anastacio Benzon, hepe ng pulisya sa bayan ng San Mateo, naitala ang krimen ganap na alas-11 ng umaga matapos na komprontahin ng babae ang kanyang mister tungkol sa sumbong ng kanilang anak na dalagita.
Sa sumbong ng anak sa kanyang nanay, hinalay ang dalagita ng sariling ama, ayon sa pulisya.
Napag-alamang imbes na humingi ng dispensya ang suspek ay nagalit ito at sinimulang gulpihin at sakalin ang biktimang nagsisigaw hanggang sa marinig ng kanilang mga kapitbahay na nagparating ng balita sa mga opisyal ng barangay at nadiskubre ang krimen. Nangangalap na ng mga ebidensiya ang pulisya para isama sa isusumiteng kaso laban sa suspek. (Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest