^

Probinsiya

P1-B kreyn nasa Subic Bay na

-
SUBIC BAY FREEPORT – Dalawang malahiganteng gantry cranes na nagkakahalaga ng P1-bilyon ang dumating sa Subic Bay Freeport noong Lunes upang palakasin pa ang kapabilidad ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) na maging world class port of call sa rehiyon ng Asya.

Sinabi ni SBMA Chairman Feliciano Salonga, ang dalawang nasabing kreyn na itinuturing na state-of-the-art na heavy equipments ay kinailangan upang maragdagan pa ang kapasidad sa operasyon ng Subic Port sa tone-toneladang kargamento.

Noong Marso 2006, pinangunahan ni Salonga ang ilang opisyal ng SBMA ang pagtungo sa Japan para sa pagkuha ng apat na goose -neck type gantry cranes na may kabuuang bigat na 40.6 tonelada bawat isa.

Dalawa pang kreyn ang inaasahang darating sa Subic Bay Freeport sa 2007, kasabay sa pagkumpleto sa kontruksyon ng Subic-Clark Tarlac Toll Road.

Nabatid na ang apat na kreyn na may kabuuang P2-bilyon ay idinaan sa pamamagitan ng joint-venture agreement sa pagitan ng Penta Ocean-Construction, isang consortium ng TOA Corp., at Shimitzu Corp., Japan na may inilaang $215-milyon loan mula sa Japan Bank of International Cooperation (JBIC). (Jeff Tombado)

vuukle comment

CHAIRMAN FELICIANO SALONGA

JAPAN BANK OF INTERNATIONAL COOPERATION

JEFF TOMBADO

NOONG MARSO

PENTA OCEAN-CONSTRUCTION

SHIMITZU CORP

SUBIC BAY FREEPORT

SUBIC BAY METROPOLITAN AUTHORITY

SUBIC PORT

SUBIC-CLARK TARLAC TOLL ROAD

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with