^

Probinsiya

Barangay kagawad tinodas sa inuman

-
TAYABAS, Quezon – Nabahiran ng dugo ang masayang inuman ng magkakamag-anak makaraang ratratin ng magkapatid na nagresulta ng pagkamatay ng barangay kagawad at malubhang pagkakasugat ng anim na iba pa sa Barangay Kanlurang Domoit ng bayang nabanggit, kamakalawa ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Randy Bolanos, 31, may-asawa, samantalang ginagamot sa iba’t ibang ospital ang mga sugatang sina Alexander Bolanos, 32; magpinsang Dennis, 32; at Ringo, 34; Ellen Lleva, 35; at Rodrigo Macaya, 28.

Ilang oras makaraang magsagawa ng manhunt operation ang mga tauhan ni P/Chief Insp. Romeo Carranza ay nadakip ang mag-utol na suspek na sina Jayson, 25 at Orlando Cuales, 32.

Sa imbestigasyon nina SPO4 Marte Huerto at SPO1 Felecito Labitigan, naitala ang krimen dakong alauna ng madaling-araw habang ang mga biktima ay masayang magdaraos ng "Mayohan sa Tayabas" na magkakasamang nag-iinuman ng alak ang magpipinsan sa tindahang pag-aari ni Ellen Lleva.

Sa pag-aakalang napatay ang mga biktima ay agad na tumakas ang magkapatid na suspek, subalit kinalaunan ay nadakip din.

Patuloy pang nagsasagawa ng imbestigasyon ang pulisya sa ikalilinaw ng motibo ng krimen. (Tony Sandoval)

vuukle comment

ALEXANDER BOLANOS

BARANGAY KANLURANG DOMOIT

CHIEF INSP

ELLEN LLEVA

FELECITO LABITIGAN

MARTE HUERTO

ORLANDO CUALES

RANDY BOLANOS

RODRIGO MACAYA

ROMEO CARRANZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with