^

Probinsiya

Catanauan nasa state of calamity sa El Niño

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

LUCENA CITY, Philippines — Isinailalim sa state of cala­mity ang Catanauan, Que­zon, matapos pagtibayin ng Sangguniang Bayan ang deklarasyon bunsod ng matinding epekto ng El Niño o tagtuyot sanhi ng malaking pagkalugi sa sektor ng agrikultura.  

Pinagtibay ang Resolution No. 2026-315 sa regular session ng konseho nitong Lunes, November 23, sa pangunguna ni Vice Mayor at Presiding Officer Manuel B. Montano, alinsunod sa rekomendasyon ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council (MDRRMC).

Bago ang pag-aapruba, sinabi ni Catanauan Mayor Ramon Orfanel, umabot na sa P147 mil­yon ang naitalang pinsala sa agrikultura ng bayan, kabilang ang P95 milyon na pagkalugi sa industriya ng niyog, na isa sa pa­ngunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga residente.

Batay sa ulat ng Rapid Damage Analysis and Needs Assessment (RDANA) Team, tatlong barangay na ang nakararanas ng tagtuyot, kabilang ang Kawayan Ibaba, Tagbacan Silangan, at Tagbacan Ilaya.

Kasunod ng deklaras­yon, pansamantalang sinuspinde ng lokal na pamahalaan ang mga pampublikong aktibidad at pagdiriwang kabilang na ang mga school-related activities, Christmas parties, JS Prom, kapistahan ng bayan, at year-end parties ng mga tanggapan.

Nakikipag-ugnayan na ang Catanauan Water District sa Local Water Utilities Administration upang mapag-aralan ang pagtatayo ng bagong water source at rehabilitasyon ng mga linya ng tubig sa bayan, bilang paghahanda sa posibleng matinding kakulangan ng suplay.

TRENDING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with