Pagbabalik ng ex-collector sa Subic Customs Port, nilinaw
May 19, 2006 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Nilinaw ni Subic Customs Collector Atty. Grace Caringal, ang lumalabas na ulat kaugnay sa kontrobersiya na kasalukuyang bumabalot sa Bureau of Customs (BoC) na dalawa ang collector ng naturang ahensiya.
Ito ang iginiit ni Caringal sa panayam ng PSN matapos sumingaw ang balitang si Atty. Andres Salvacion pa rin ang humahawak sa puwesto sa Subic Customs Port.
Base sa nakalap na impormasyon, si Salvacion, na dating Customs collector ng Port of Subic ay nakatakdang bumalik upang palitan si Caringal matapos ilipat sa Office of the Commissioner may isang buwan na ang nakalipas.
Subalit sinabi ni Caringal na ang pagkakalipat nito bilang kolektor ng ahensiya sa Subic mula sa Manila International Container Port (MICP) ay base sa memorandum order ni Customs Commissioner Napoleon Morales sa isinagawang malawakang balasahan sa noong Marso 2006.
Nag-ugat ang usapin tungkol sa pagbabalik ni Salvacion sa Port of Subic nang kanselahin ang lahat ng transfer order sa bawat ahensiya ni Morales matapos magmatigas ang dalawang Port collector ng Cebu at MICP na lisanin ang kanilang puwesto.
"It is clear that I am the legitimate and official collector of this Port, nothing more and no one else," pahayag ni Caringal.
Nagbalik naman sa normal ang operasyon sa loob at labas ng naturang ahensiya dahil sa natapos ang agam-agam at kalituhan ng mga kawani hinggil sa nasabing usapin na tumagal ng ilang araw. (Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
7 hours ago
Recommended