^

Probinsiya

11 bayan sinalanta ng higanteng alon

-
CAMP CRAME Libu-libong pamilya sa baybaying dagat ang napilitang magsilikas makaraang salantain ng higanteng alon mula sa South China Sea ang kabahayang malapit sa tabing dagat na sakop ng Ilocos at La Union kamakalawa.

Base sa ulat ni Neri Ocampo, hepe ng Office of Civil Defense (OCD), ang higanteng alon ay bahagi ng nagdaang bagyong Caloy at namumuong tropical depression sa mga nabanggit na bayan.

Kabilang sa naapektuhan ay 2,765-katao mula sa 11 munisipalidad sa Ilocos Sur.

Apektado rin ang mga barangay ng Sabangan, Gabao at San Roque, sa bayan ng Santiago; mga Barangay Darapidap, Tamurong, Paypayad at Catirman sa Candon City, Ilocos Sur.

Sa La Union, aabot sa 1,000-katao naman ang napilitang lumikas sa pangambang may nagbabadyang tsunami ang nasabing mga giant waves.

Naitala kabuuang 1, 925-katao ang nagsilikas sa bayan ng Pasuquin at 50 pamilya naman sa bayan ng Pagudpud, Ilocos Norte.

Samantala, 10 bahay naman ang winasak sa Barangay Botolan, Zambales, bagamat wala namang naiulat na nasawi o nasugatan sa naganap na insidente. (Joy Cantos)

BARANGAY BOTOLAN

BARANGAY DARAPIDAP

CANDON CITY

ILOCOS NORTE

ILOCOS SUR

JOY CANTOS

LA UNION

NERI OCAMPO

OFFICE OF CIVIL DEFENSE

SA LA UNION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with