Mga holdaper ng bus, muling umatake
May 18, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Muling umatake ang notoryus na mga holdaper matapos na holdapin ang isang pampasaherong bus na bumabagtas sa kahabaan ng South Luzon Expressway (SLEX) na sakop ng Barangay Tulo, Cabuyao, Laguna kamakalawa ng umaga.
Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Prospero Noble Jr., Region 4 police director, dakong alas-6:05 ng umaga nang umatake ang mga holdaper laban sa isang HM Transport Bus na may plakang TVS- 529 at may body number A-65.
Ayon sa bus driver na si Eric Sultan, sumakay ang mga suspek sa bus stop ng Calamba City at nagkunwaring mga pasahero na umupong magkakahiwalay sa loob ng bus.
Nang makapasok na sa SLEX ang bus, kaagad bumunot ng baril at granada ang mga suspek at nagdeklara ng hold-up.
Nilimas ang mahahalagang gamit ng 45 pasahero kabilang na ang P5,000.00 kinita ng bus.
Pagsapit sa bahagi ng Magallanes sa Makati City, nagawa pang sumakay ang bus inspector na si Normel de Castro, na napasama rin sa nasabing holdap at natangay pati ang kanyang relo, cell phone, at pitaka.
Matapos ang paghoholdap, mabilis na bumaba ang mga suspek sa panulukan ng Edsa sa Buendia Avenue sa Makati City at tumakas patungo sa hindi pa mabatid na direksyon. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
6 hours ago
Recommended