^

Probinsiya

2 inarestong Indonesian national hindi terorista

-
Hindi terorista kundi mga seajacker ang dalawang Indonesian national na nasakote ng mga operatiba ng Police Regional Office (PRO) 7 sa operasyon sa Cebu City, ayon sa ulat kahapon.

Batay sa report ni PRO 7 Director Eduardo Gador, nakipag-ugnayan sa kanila ang Indonesian Police Liaison Officer na dumating sa Cebu City kamakalawa at nilinaw na hindi terorista ang dalawang nasakoteng dayuhan.

Ayon pa kay Gador ang bangkay ng isang lalaki na natagpuang hinihinala ng dalawang Indonesian national ay hindi isang Filipino tulad ng napaulat kundi isa ring Indonesian na kalahi ng mga suspek.

Ang mga suspek na sina Oscar Dalegi, 42-anyos ng Teling Atas Manado Sulut, Indonesia at Bernard Lebene, 49 ng JI Ankasa ay nasakote nitong Sabado matapos ang mga itong mahuli sa akto na hinihinalang pasakay sa isang behikulo ang bangkay ng isang lalaki.

Nakilala naman ang bangkay na si Johannes Taruk na unang kinilala nina Dalegi at Lebene na si Francisco Cañadan Vidal ng Tagum City, Davao del Sur.

Samantalang nabigo rin sina Dalegi at Lebene na makapagpakita sa mga awtoridad ng kanilang mga dokumento tulad ng mga visa na makapagpapatunay na legal ang pananatili nila sa Pilipinas.

Nabatid pa na ang dalawang Indonesian ay nasangkot sa seajacking ng TB Martha Dini ship at IK Santana tugboat. Ang mga ito ay umalis sa Sumatra noong Abril 13 at dinala ang nasabing mga sasakyang pandagat sa Pilipinas.

Lumilitaw pa sa pagsisiyasat na dapat ay nakaalis na ang mga ito sa bansa kung hindi sa pagkamatay ng kanilang kasamahang si Taruk. (Joy Cantos)

vuukle comment

BERNARD LEBENE

CEBU CITY

DALEGI

DIRECTOR EDUARDO GADOR

FRANCISCO CA

INDONESIAN POLICE LIAISON OFFICER

JOHANNES TARUK

JOY CANTOS

MARTHA DINI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with