Alkalde nakaligtas sa ambush
May 12, 2006 | 12:00am
LAGUNA Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang alkalde sa bayan ng Sta. Rosa City, Laguna, habang sugatan naman ang isa sa alalay nito sa naganap na pananambang noong Miyerkules ng gabi sa Malitlit Road, Barangay Dita ng nabanggit na bayan.
Ayon kay P/Supt. Florendo Saligao, hepe ng Sta Rosa PNP, tinatahak ng convoy ni Mayor Jose "Joey" Catindig, 44, lulan ng kanyang itim na Isuzu Crosswind (XRA-119) ang naturang lugar nang dikitan ng dalawang armadong lalaki na sakay ng motorsiklo at sunud-sunod na nagpaputok.
Masuwerte namang hindi tinamaan si Mayor Catindig matapos masangga ng kanyang bullet-proof vest na nooy nakasampay sa tapat ng bintana ng sasakyan ng alkalde.
Mabilis namang gumanti ng putok ang mga alalay ni Mayor Catindig, subalit agad na nakatakas ang mga suspek sakay ng motorsiklo.
Sa kasamaang palad, nadamay naman ang apat na taong gulang na babae na si Patricia Dimaunahan ng Barangay Dita matapos madaplisan ng ligaw na bala ng baril sa braso.
Nakarekober ng limang basyo ng 9mm pistol at pitong basyo ng M16 armalite rifle sa pinangyarihan ng insidente.
"Tatlong anggulo ang sinisilip ng pulisya sa naganap na pananambang, isa na dito ang pulitika, personal grudge o kagagawan ng NPA," ani Saligao sa PSN
Matatandaang noong May 10, 2005, tinambangan at napatay si Sta. Rosa Mayor Leon Arcillas at ang alalay nitong si PO2 Ariel Rivera ng mga rebeldeng NPA sa ginanap na mass wedding sa loob mismo ng Sta. Rosa City Hall.
Pumalit si Catindig, na nooy vice mayor ni Arcillas bilang mayor ng Sta Rosa City. (Arnell Ozaeta, Ed Amoroso at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended