Biyenan pinugutan ng Arabong manugang
May 9, 2006 | 12:00am
CAMP VICENTE LIM, Laguna Karumal-dumal ang sinapit na kamatayan ng isang 65-anyos na biyenang babae sa kamay ng adik na Arabong manugang makaraang pugutan habang naliligo sa banyo noong Sabado ng hapon sa Purok 6, Calamba City.
Kinilala ni P/Supt. Roland Bustos, Calamba police chief, ang suspek na si Cyad Bander Zisdullat, 35, tubong Riyadh, Saudi Arabia at pansamantalang nanirahan sa bahay ng kanyang ka-live-in partner sa nabanggit na lugar na sakop ng Camp Vicente Lim.
Ayon sa ulat, bandang alas-5:45 ng hapon, pinasok ng suspek ang biyenan nitong si Pacencia Ariaso habang naliligo sa banyo ng kanilang bahay at doon ginilitan ng leeg gamit ang kutsilyong may habang 12-pulgada.
Sa pagsisiyasat ni SPO4 Filipina Manaig, namataan ng mga residente ang suspek na umiinom ng alak at humihitit ng droga bago atakihin ang matandang Ariaso.
Napag-alamang tinangka pang tumakas ng suspek papalabas ng South Luzon Expressway, subalit agad namang nasakote ng mga tauhan ng Police Regional Mobile Group.
Sa panayam ng PSN kay Manaig, posibleng nawala sa katinuan ang suspek dahil sa paggamit ng droga at matinding pangungulila sa kanyang ka-live-in partner na si Virginia Ariaso.
Naging may-ari ng recruitment agency si Zisdullat na nagpapadala ng Overseas Filipino worker sa Gitnang Silangan hanggang sa malugi ito at umasa na lang sa minana nitong pera sa kanyang mga magulang.
Ayon kay Manaig, napilitang maghanap ng trabaho sa Maynila si Virginia na naging ugat para maging lulong sa droga ang asawang Arabo.
Pormal ng sinampahan ng kasong murder ang Arabo sa Calamba Prosecutors Office habang naghihimas ng malamig na rehas sa himpilan ng pulisya sa Calamba City. (Arnell Ozaeta at Ed Amoroso)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended
December 24, 2024 - 12:00am
December 23, 2024 - 12:00am