^

Probinsiya

Bus hulog sa bangin: Paslit patay, 66 sugatan

-
PAGBILAO, Quezon – Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang 4-anyos na batang babae habang 66 iba pa ang nasugatan matapos na mahulog ang sinasakyang bus ng mga biktima sa malalim na banging sakop ng Sitio Amo, Barangay Silangang Malicboy, Pagbilao, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing biktima na si Cindy Bagal y Yamama ng Sorsogon, samantalang ginagamot naman sa Jane County Hospital, MMG Hospital at Quezon Medical Center sa Lucena City ang 63 iba pang pasahero na ang sampu sa kanila ay nakilalang sina Marissa, 29; Marlon, 11; Edelyn, 6; at Meradel Burgos, 8, pawang mga residente ng bayan ng Irosin, Sorsogon; Ronelo Montel, 27; Eliseo Dominguez Jr.30; Delia Nocum, 4; Lowell Garcia, 6; Blas de la Cruz, at Leo Bagal, 13, kapatid ng nasawi.

Sa inisyal imbestigasyon ng pulisya, bandang alas-2:00 ng madaling-araw habang sakay ang mga biktima sa JVH Transport Bus (TWP-507) na minamaneho ni Gerry Bilan y Buergo , 36, ng San Isidro Ilawad, Malilipot Albay at tinatahak ang bahagi ng Maharlika Highway patungo sa Cubao, Quezon City.

Pagsapit sa kurbadang lansangan ay nawalan ng preno ang bus hanggang sa tuluyan itong nahulog sa isang bangin na may 15 talampakan na malubhang ikinasugat ng mga pasahero nito at kinalaunan ay ikinamatay ng isang paslit.

Nasa custody ngayon ng Pagbilao PNP ang driver ng bus at nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso. (Tony Sandoval at Arnell Ozaeta)

ARNELL OZAETA

BARANGAY SILANGANG MALICBOY

CINDY BAGAL

DELIA NOCUM

ELISEO DOMINGUEZ JR.

GERRY BILAN

JANE COUNTY HOSPITAL

LEO BAGAL

LOWELL GARCIA

LUCENA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with