^

Probinsiya

Mag-lolo, pinabulagta

-
BAMBANG, Nueva Vizcaya – Agad na binawian ng buhay ang mag-lolo matapos na pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang kalalakihan sa loob mismo ng kanilang tahanan habang nanonood ng telebisyon, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Sa ulat na ipinarating kay P/Senior Supt. Rogelio, police provincial ditector, nakilala ang mga biktimang pinaslang na sina Santiago Mingala, 71; at Michael Mingala, 18, kapwa residente ng Barangay San Antonio South, Bambang ng lalawigang nabanggit.

Sa isinagawang imbestigasyon, dakong alas-7:00 ng gabi kamakalawa habang nanonood ng telebisyon ang mag-lolo nang bigla ratratin ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek na pumasok sa likurang pintuan ng nabanggit na lugar.

Sinubukang isugod sa ospital ang mga biktima, subalit kapwa hindi na nakaabot ng buhay.

Sa kasalukuyan ay palaisipan pa rin sa mga pulis kung sino at ano ang motibo ng mga suspek sa pagpatay. (Victor Martin)

vuukle comment

BAMBANG

BARANGAY SAN ANTONIO SOUTH

MICHAEL MINGALA

NUEVA VIZCAYA

ROGELIO

SANTIAGO MINGALA

SENIOR SUPT

SINUBUKANG

VICTOR MARTIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with