Maliksi, pinasuspinde ng CA
April 4, 2006 | 12:00am
Ipinatutuloy ng Court of Appeals (CA) ang pagpapatupad ng suspension order laban kay Cavite Governor Ireneo "Ayong" Maliksi, matapos ang masusing pag-aaral na may kapangyarihan ang Ombudsman na itoy suspendihin.
Itoy matapos ang pagbawi ng Court of Appeals (CA) sa preliminary injunction na inisyu nito para maharang ang kautusan.
Ang CA 1st Division din ang nagkaloob ng preliminary injunction o pansamantalang pagharang sa suspensiyon laban sa gobernador.
Sa 25-pahinang desisyon ng CA, na ipinonente ni Presiding Justice Ruben Reyes, walang naging pag-abuso sa panig ng Ombudsman nang ipag-utos nito na suspendihin sa tungkulin sa loob ng 6 buwan si Maliksi matapos itong ipagharap ng kaso hinggil sa maanomalyang pagbili ng 7,500 na sako ng bigas.
Nilinaw ng appellate Court na may kapangyarihan ang Ombudsman na magpalabas ng preventive suspension laban sa isang opisyal ng gobyerno sa sandaling masampahan ito ng kaso.
Hindi umano kailangang hintayin pa ang sagot ng kinasuhang public official bago pa ipalabas ang suspension order, ayon pa sa Korte.
Noong Agosto 16, 2005, nagpalabas ang Ombudsman ng 6 na buwang suspension order laban kay Maliksi, tungkol sa nabanggit na kaso na isinampa ni Vice Governor Gilbert Remulla.
Subalit agad namang nagawan ng paraan ni Maliksi, sa paghahain nito ng apela sa CA. Isang temporary restraining order at preliminary injunction ang inisyu ng CA para pansamantalang pigilan ang suspensiyon habang nireresolba pa ng korte kung nagkamali ang Ombudsman nang itoy magpataw ng kautusang nabanggit laban sa gobernador.
Samantala, ipinahayag naman ni Atty. Lailani Grimares, provincial legal officer at tumatayong tagapagsalita ni Cavite Gov. Maliksi, ang desisyon ng Court of Appeals ay hindi pa final at executory.
Sa loob ng 15-araw ay naghahanda ang kampo ni Maliksi para magsumtie ng mosyon sa Court of Appeals.
Kasalukuyang guest speaker si Gov. Maliksi sa Southern Tagalog Calabarzon Athletic Association meet sa Dasmariñas, Cavite nang ipaabot sa kanya ang kautusan ng nabanggit na korte. (Grace Dela Cruz at Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended