^

Probinsiya

120 sakong pirated VCDs/DVDs sinamsam

-
LUCENA CITY – Tinatayang aabot sa 120 sako ng pirated VCDs at DVDs ang nasamsam ng pinagsanib na elemento ng Optical Media Board (OMB), Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) at Anti-Fraud and Commercial Crimes Division sa isang establisimyento sa Barangay 5 ng nabanggit na lungsod, kamakalawa ng hapon.

Armado ng search warrant na inisyu ni Judge Bienvinido Mapaye ng Lucena Regional Trial Court Branch 55 nang postehan ng mga awtoridad ang Delgic Gaming Playstation Center na pinaniniwalaang pag-aari ni Bryan Laredo.

Subalit bandang alas-12:15 na ng tanghali ay sarado pa ang establisimyento kung kaya’t nagpasya na si P/Supt. Ricardo Sto. Domingo Jr., team leader ng composite team na gamitan na ng bolt cutter ang seradura ng tindahan upang ito ay mabuksan.

Pagbukas pa lamang ng tindahan ay tumambad na kaagad sa mga awtoridad ang napakaraming pirated VCDs at DVDs.

Sinabi ni Sergio Valdez, Optical Media Board Enforcement Section na maituturing nilang pinakamalaki sa Southern Tagalog ang isinagawang operasyon dahil sa laki ng volume ng mga nakumpiskang piniratang VCDs at DVDs.

"Noon pang nakaraang taon ay nasa ilalim na ng surveillance ang naturang establisyemento, subalit hindi kaagad kami nakapagsagawa ng raid dahil sa karamihan ng trabaho ay nasa Metro Manila," dagdag pa ni Valdez.

Itinanggi naman ng mga kaanak ng may-ari ng tindahan na sila ang supplier ng mga piniratang VCDs at DVDs sa nabanggit na lungsod, bumibili lamang umano sila ng mga tingi-tingi sa Quiapo, Manila saka ibinebenta sa nasabing lugar. (Tony Sandoval)

ANTI-FRAUD AND COMMERCIAL CRIMES DIVISION

BRYAN LAREDO

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION GROUP

DELGIC GAMING PLAYSTATION CENTER

DOMINGO JR.

JUDGE BIENVINIDO MAPAYE

LUCENA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

METRO MANILA

OPTICAL MEDIA BOARD

OPTICAL MEDIA BOARD ENFORCEMENT SECTION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with