^

Probinsiya

5 pinatay sa sabungan

-
CABANATUAN CITY – May posibilidad na inggitan sa negosyo ang motibo kaya niratrat hanggang sa mapaslang ang limang sibilyan sa loob ng sabungan sa Barangay Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija noong Lunes ng hapon.

Ayon kay P/Supt. Roel Obusan, hepe ng intelligence and investigation branch, pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan ng suspek na responsable sa krimen at kasalukuyang nangangalap ng ebidensya para masampahan ng kaukulang kaso ang mga suspek.

Base sa record ng pulisya, binistay ng bala ng malalakas na kalibre ng baril ang mga biktimang nasawi na sina Ebertson at Ericson Pascual na kapwa anak ng trader na si Boy Pascual, may-ari ng sabungan; Dr. Juanito Reyes; at ang dalawang sikyu na sina Carino Caring at Jessie Pablo.

Samantalang ginagamot naman sa Nueva Ecija Doctors Hospital ang mga sugatang sina Virgilio Malgapo at Michael Carlos,

Nakarekober sa crime scene ang 109 na basyo ng iba’t ibang baril matapos na rumesponde ang mga tauhan ng Scene of the Crime Operatives (SOCO). (Christian Ryan Sta. Ana)

vuukle comment

BARANGAY PAMBUAN

BOY PASCUAL

CARINO CARING

CHRISTIAN RYAN STA

DR. JUANITO REYES

ERICSON PASCUAL

GAPAN CITY

JESSIE PABLO

MICHAEL CARLOS

NUEVA ECIJA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with