^

Probinsiya

3 todas, 2 pulis sugatan sa bakbakan

-
CAMP CRAME — Tatlo-katao kabilang na ang isang pulis ang iniulat na nasawi, samantalang dalawa pa ang malubhang nasugatan makaraang lusubin ng mga rebeldeng New People’s Army ang isang himpilan ng pulisya sa Barangay Baculin, Baganga, Davao Oriental, kamakalawa.

Kinilala ang nasawing pulis na si PO1 Jose Subron, habang ang dalawang napaslang na rebelde ay hindi naman nakilala matapos tangayin ng mga nagsitakas nilang kasamahan.

Ang dalawang pulis na nasugatan ay nakilala namang sina PO1 Jelson Malimbong at PO1 Arnulfo de la Peña.

Batay sa ulat, dakong alas-6:45 ng umaga nang salakayin ng mga rebelde ang Bacudin PNP outpost ng 1150th Provincial Police Mobile Group (PPMG) na matatagpuan sa Sitio Tanibak, Barangay Baculin, Baganga, Davao Oriental.

Sa kabila nang sorpresang pag-atake ay mabilis na nagdepensa ang mga pulis na nakipagbarilan sa sumusugod na mga rebelde hanggang sa magsi-atras ang NPA rebs patungo sa direksyon ng kagubatang sakop ng Barangay Balawan.

Ayon sa mga residente, habang papatakas ang mga rebelde ay nakita nilang binitbit ng mga ito ang dalawa sa kanilang namatay na kasamahan.

Naglunsad na ng hot pursuit operations ang pinagsanib na elemento ng Army’s 67th Infantry Battalion (IB), 1150th Provincial Police Mobile Group (PPMG) at pulis-Baganga laban sa grupo ng umatakeng mga rebelde. (Joy Cantos)

BAGANGA

BARANGAY BACULIN

BARANGAY BALAWAN

DAVAO ORIENTAL

INFANTRY BATTALION

JELSON MALIMBONG

JOSE SUBRON

JOY CANTOS

PROVINCIAL POLICE MOBILE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with