^

Probinsiya

Shootout: Pulis todas

-
PAMPANGA – Napaslang ang isang tauhan ng pulisya, samantalang sugatan naman ang kasamahan nitong opisyal makaraan ang madugong barilan sa pagitan ng mga holdaper sa kahabaan ng McArthur Highway sa Tarlac City, kahapon ng umaga.

Ayon kay P/Supt. Napoleon Cauyan, director ng PNP Traffic Management Group na nakatalaga sa Camp Olivas, bandang alas-9:30 ng umaga, kahapon naganap ang shootout sa kahabaan ng nabanggit na highway na sakop ng Barangay San Rafael.

Kinilala ang nasawing pulis na si SPO4 Francisco Pestano, habang sugatan at ginagamot sa Jecson General Hospital si P/Chief Insp. Thomas Frias Jr, opisyal ng TMG sa Tarlac City.

Base sa ulat, tinangkang harangin ng mga operatiba ng pulis ang Sarao jeepney na may plakang ZWS 359 na kinalululanan ng mga holdaper dahil sa may namataang mga pasahero na humihingi ng saklolo matapos na magdaan sa checkpoint.

Dahil sa hindi huminto sa checkpoint ang pampasaherong dyipni ay hinabol ng mga tauhan ng pulisya hanggang sa magkabarilan na ikinasawi ni SPO4 Pestano.

Nakapuga naman ang mga holdaper na pinaniniwalaang may mga sugatan at ngayon ay tugis ng pulisya sa isinasagawang follow-up operation. (Resty Salvador At Joy Cantos)

vuukle comment

BARANGAY SAN RAFAEL

CAMP OLIVAS

CHIEF INSP

FRANCISCO PESTANO

JECSON GENERAL HOSPITAL

NAPOLEON CAUYAN

RESTY SALVADOR AT JOY CANTOS

TARLAC CITY

THOMAS FRIAS JR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with