^

Probinsiya

Trader pinatay ng magnanakaw

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 40-anyos na negosyante ng mga armadong kalalakihan makaraang manlaban ang biktima sa naganap na nakawan sa Sitio Nabasangan, Barangay Guinhadap sa bayan ng Monreal, Masbate.

Kinilala ang napaslang na biktima na si Raul Cardino, may asawa, samantalang ang mga armadong kalalakihan na naka-bonnet at unipormadong fatigue ay nakatakas patungo sa hindi nabatid na direksyon.

Base sa ulat ng pulisya, bandang alas-8 ng gabi nang kumatok at nagpanggap na bibili ng gasolina ang mga kawatan.

Nang pagbuksan ng pintuan ay agad na tinutukan ng baril ang negosyante kasabay na pumasok ang mga armadong kalalakihan.

Napag-alamang nakatiyempong agawin ng biktima ang baril ng isa sa mga kawatan at nagawang barilin at mapatay ang isa, subalit pinagtulungang pagbabarilin ang biktima na ikinasawi nito.

Bago tumakas ay nagawang tangayin ng mga suspek ang P85,000 cash, mga alahas na nagkakahalaga ng P20,000, 2 celfone, 3-sako ng bigas at ilang mahahalagang kagamitan at paninda ng biktima.

Binitbit ng mga magnanakaw ang isa sa kasamahan nilang napatay ng biktima na ngayon ay tugis ng pulisya ang grupo. (Ed Casulla)

BARANGAY GUINHADAP

BIKTIMA

BINITBIT

ED CASULLA

KINILALA

LEGAZPI CITY

MASBATE

RAUL CARDINO

SITIO NABASANGAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with