5 durugista nasakote
February 22, 2006 | 12:00am
LUCENA CITY Hindi na nakapalag ang isang 28-anyos na lalaki na pinaniniwalaang nagtutulak ng marijuana matapos masakote sa buy-bust ng pulisya, habang apat na iba pang kalalakihan ang naaresto sa pot session sa bahagi ng Jade Street sa Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam, Lucena City, Quezon kamakalawa ng hapon.
Kinilala ni P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac, chief of police sa nasabing lungsod, ang mga dinakip na suspek na sina Jefferson Yabut y Sy, 28, ng Stephen compound; Gilbert Matining, 24, ng Barangay 7; Ronnie Saez, 22, ng Barangay 11; Paulo Domenic Luna, 23, ng Barangay 2; at Roderick Ocampo, 23, ng Barangay Cotta.
Ayon kay Sindac, isinagawa ng kanyang mga tauhan na nakabase sa Intel/ DEU na pinamumunuan ni P/Senior Insp. Ernesto Ginauli, ang pagdakip kay Yabut bandang alas-4:30 ng hapon.
Napag-alamang isinagawa ang buy-bust drug sa pangunguna nina SPO1 Rommel Coronado, PO3 Virgilo Jalago, PO3 Russel Dennis Reburiano at PO3 Noel Diocos.
Nasamsam sa pag-iingat ng suspek ang 5-dahon ng marijuana at karagdagang 25-piraso ng transparent plastic ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 0.6 gramo at isang piraso ng P100 na ginamit sa buy-bust.
Habang isinasagawa ng mga awtoridad ang operasyon ay nasakote rin sa aktong nagpa-pot session ang apat pang kalalakihan.
Nakapiit ngayon ang mga suspek at sinampahan ng kaukulang kaso na may kinalaman sa droga. (Tony Sandoval)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest