^

Probinsiya

2-katao natusta sa sunog

-
BULACAN – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi makaraang masunog ang Starex disco club sa Barangay Pinagbarilan sa bayan ng Baliuag, Bulacan, kahapon.

Halos matusta ang buong katawan ng mg biktimang sina Jasmin Quitain, 19, stay-in guest relation officer; at Alexander Quilala, 38, operation manager.

Lumitaw sa pangunahing pagsisiyasat ni Inspector Randy Zipagan, hepe ng Baliuag fire station, nagsimulang kumalat ang apoy sa nabanggit na club dakong alas-12:15 ng tanghali.

Hindi naman nagtagal ang sunog at kaagad na naapula ng mga rumespondeng pamatay-sunog.

Napag-alamang ang dalawang biktima ay natagpuang magkayakap sa isang bahagi ng nasunog na disco club.

May posibilidad na linya ng kuryenteng nag-init hanggang sa sumiklab ang apoy.

ALEXANDER QUILALA

BALIUAG

BARANGAY PINAGBARILAN

BULACAN

DALAWA

INSPECTOR RANDY ZIPAGAN

JASMIN QUITAIN

LUMITAW

NAPAG

STAREX

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with