^

Probinsiya

Rapist na ama, kalaboso

-
ORION, Bataan – Rehas na bakal sa himpilan ng pulisya ang kinabagsakan ng isang 48-anyos na ama na pinaniniwalaang naburyong makaraang halayin nito ang sariling anak na babae sa Barangay Bilolo sa bayan ng Orion, Bataan kamakalawa.

Pormal na sasampahan ng kaukulang kaso ang suspek na si Rustico Nallas y Custodio, 48 anyos, jobless at naninirahan sa nabanggit na barangay.

Ayon kay PO1 Randy Talento, hinalay ng suspek ang sariling anak na buntis sa kanilang bahay ganap na alas-11:00 ng tanghali.

Kinabukasan naman ay nag-amok ang suspek at pinagtataga ang kanyang anak na 19-anyos na si Mark Anthony, subalit nakaligtas at nakahingi ng saklolo sa mga kapitbahay, ayon pa sa pulisya. Napag-alamang nadiskubre ang krimen ng suspek laban sa sariling anak na babae matapos na maglakas-loob na ipagtapat ng babae sa pulisya. (Jonie Capalaran)

vuukle comment

AYON

BARANGAY BILOLO

CUSTODIO

JONIE CAPALARAN

KINABUKASAN

MARK ANTHONY

NAPAG

PORMAL

RANDY TALENTO

RUSTICO NALLAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with