Tinedyer binoga ng sikyu, patay
February 14, 2006 | 12:00am
BATAAN Binaril at napatay ang isang 15-anyos na binatilyo ng isang sekyu makaraang mapadaan ang biktima sa loob ng compound ng National Power Corporation housing complex sa Barangay Bayan, Bagac, Bataan kamakalawa.
Napuruhan ng bala ng shotgun ang katawan ng biktimang si Mario Batol ng Sitio Bangkusay Barangay Bagongbayan Bagac.
Inaresto naman ng pulisya ang suspek na si Danilo Quitalig, security guard ng Sta. Catalina Security Agency at nakatalaga sa naturang establisimyento.
Sa imbestigasyon ng pulisya, sinabi ni P/Senior Insp. Jeremias Dayo, hepe ng pulisya sa bayan ng Bagac, dakong alas 8:00 ng gabi nang mapadaan sa loob ng perimeter fence ng NPC housing complex ang biktima kasama ang isa pa nitong kaibigan na si Jeffrey Llait.
Napag-alamang sinita ng suspek ang biktima, subalit, sa halip na huminto ay kumaripas ng takbo ang magkaibigan hanggang sa maganap ang krimen.
Umabot pa ng tatlong oras bago pa maisugod sa Bagac Medical Hospital ang biktima hanggang sa tuluyang mamatay dahil sa pagkaubos ng dugo, ayon pa sa ulat. Pormal nang kinasuhan ang suspek habang nakakulong sa himpilan ng pulisya sa nabanggit na bayan. (Jonie Capalaran)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest