Shootout: 5 holdaper dedo
February 14, 2006 | 12:00am
CAMP CRAME Napaslang sa shootout ang limang kalalakihan na pinaniniwalaang notoryus na miyembro ng robbery/holdup gang habang isa namang pulis ang nasugatan matapos ang engkuwentro sa pagitan ng magkabilang panig sa General Santos City, kamakalawa.
Batay sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 12, kasalukuyan pang inaalam ang pagkakakilanlan ng dalawa sa mga holdaper na kapwa dead-on-the-spot sa shootout.
Tatlo naman sa mga suspek ay nakilalang sina Carmillo Guanco, Mario Fare at Angelo Gamas; pawang dead-on-arrival sa General Santos City District Hospital.
Ang nasugatang pulis ay nakilalang si SPO2 Gonzalo Taladtad, nagtamo ng tama ng bala sa kanang bahagi ng kilay at ideneklarang nasa ligtas na kalagayan.
Nabatid na bandang alas-9 ng gabi nang makasagupa ng magkasanib na elemento ng Regional Intelligence Division ng PRO 12 at Police Precinct 1 ng General Santos City ang grupo ng mga holdaper sa bisinidad ng lungsod matapos ituro ng mga tipster.
Agad nagkaroon ng habulan at mainitang bakbakan sa pagitan ng magkabilang panig.
Narekober sa pinangyarihan ng engkuwentro ang tatlong baril at P40,333.00 cash na bahagi ng ninakaw ng mga suspek sa Dadiangas Distributor System Inc., dalawang cellphones, isang motorsiklo, sari-saring mga dokumento at mga basyo ng bala. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended