^

Probinsiya

17-anyos pinilahan, ginilitan

- Ni Angie dela Cruz -
CAMP CRAMEKarumal-dumal ang sinapit ng isang 17-anyos na dalagita matapos na gahasain ng tatlong kabataang lalaki ay ginilitan pa ng icepick ang leeg nito sanhi ng kanyang agarang kamatayan kamakalawa sa Zamboanga City.

Ang biktima na itinago sa pangalang Maria Luisa, estudyante ng Southcom School ay natagpuang laslas ang leeg bandang alas-6 ng umaga sa Upper Calarian, nasabing lalawigan.

Agad namang naaresto ng mga awtoridad ang dalawa sa tatlong suspek na sina Wilde Paladino, 19 at isang menor-de-edad. Pinaghahanap pa ng awtoridad ang isa pang suspek na isa ring menor-de-edad.

Sa imbestigasyon ng pulisya, lango sa ipinagbabawal na gamot ang mga suspek nang isagawa ang krimen.

Nabatid na bibili sana ang biktima ng load para sa kanyang cellphone nang mapadaan sa tambayan ng mga suspek.

Nasulyapan naman ng mga suspek ang biktima habang naglalakad at agad na pinagtulungan itong kaladkarin sa nasabing lugar at saka ginahasa. Hindi pa nakuntento ang mga suspek, ginilitan ang dalagita at iniwan ito na naliligo sa sariling dugo.

Inamin umano ng mga nadakip na suspek sa pulisya na napagtripan nilang gahasain at patayin ang biktima bunga na rin ng epekto ng shabu na kanilang tinikman.

INAMIN

KARUMAL

MARIA LUISA

NABATID

SOUTHCOM SCHOOL

SUSPEK

UPPER CALARIAN

WILDE PALADINO

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with