^

Probinsiya

Trader nilikida sa tindahan

-
LAGUNA — Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 49-anyos na trader ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan habang ang biktima ay nasa loob ng sariling tindahan sa Barangay Canlubang, Laguna kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo at dibdib ng bala ng baril ang biktimang si Wilson Toledo. Agad namang tumakas ang mga armadong kalalakihan na pinaniniwalaang hired killer sakay ng dalawang motorsiklo patungo sa direksyon ng Barangay Sirang Lupa, Calamba City, Laguna. Napag-alamang tinangay ang baril ng biktima at iniwan ang bag na naglalaman ng malaking halaga. May posibilidad na hindi pagnanakaw ang pakay ng mga killer at ang puntirya lamang ay paslangin ang biktima. (Ed Amoroso)
Magsasaka dedo sa kaaway ng utol
LUPAO, Nueva Ecija – Isang 28-anyos na magsasaka ang iniulat na nasawi makaraang barilin ng kaaway ng kanyang utol sa Barangay Burgos sa bayang nabanggit, kamakalawa ng gabi. Napuruhan sa ulo ng bala ng baril ang napaslang na biktimang si Danny Domingo y Talagon, habang tinutugis ngayon ng pulisya ang suspek na si Louie Lucas y Caspillo, 25 ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon, dakong alas-10: 30 ng gabi, nang komprontahin ng suspek ang utol ng biktima sa hindi nabatid na dahilan. Imbes na pumagitna ang biktima ay tumulong pa sa kapatid upang kumprontahin ang suspek na nauwi sa matinding sigawan. Agad na nagbunot ng baril ang suspek at pinutukan ang biktima na ikinasawi nito. (Christian Ryan Sta. Ana)
2 pulis sugatan sa barilan
CAMP CRAME – Dalawang tauhan ng pulisya ang nasugatan makaraang makasagupa ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa liblib na bahagi ng Sitio Kanuknutan, Barangay Antipolo sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur kamakalawa. Kinilala ang mga nasugatang biktima na sina PO3 Norando Tumalon at PO2 Leonardo Duyan na ngayon ay ginagamot sa Marihatag Emergency Hospital. Base sa ulat, nagsasagawa ng police visibility ang ilang kapulisan kasama ang dalawang biktima nang maganap ang bakbakan ganap na alas-4 ng hapon Tumagal ang palitan ng putok ng sampung minuto na ikinasugat ng dalawang pulis bago nagsitakas ang mga rebelde na tangay ang tatlong 16 rifles ng ilang tauhan ng pulisya. (Joy Cantos)

BARANGAY ANTIPOLO

BARANGAY BURGOS

BARANGAY CANLUBANG

BARANGAY SIRANG LUPA

BIKTIMA

CALAMBA CITY

CHRISTIAN RYAN STA

DANNY DOMINGO

ED AMOROSO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with