2 Tsino laglag sa estafa
January 22, 2006 | 12:00am
ROSARIO, Batangas Dalawang Chinese businessmen ang inaresto ng pinagsanib na elemento ng Velenzuela City police at ng local na police dito noong Huwebes ng gabi dahil umano sa kasong estafa.
Kinilala ni Senior Superintendent Francisco Don Montenegro, Batangas Police Director ang mga suspek na sina Peter Chan 54, pansamantalang naninirahan sa Barangay D at Tony Chan, 4, nakatira naman sa Barangay Namuco, parehong sa bayang ito.
Ayon sa report, bandang alas-9:30 ng gabi nang salakayin ng mga pulis ang mga bahay ng mga suspek upang arestuhin ang mga ito sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Floro Alejo ng Regional Trial Court Branch 172 sa Valenzula City na ini-issue nitong Enero 12.
Ang dalawang suspek ay pansamantalang nakakalaya matapos makapaghain ng piyansa nang tig-P40,000 ang bawat isa. (Arnell Ozaeta)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest