15-anyos na dalagita kinatay
January 21, 2006 | 12:00am
CAVITE Tadtad ng saksak sa leeg bukod pa sa halos mawasak ang nguso ng isang 15-anyos na dalagita, kamakalawa ng gabi sa Brgy. Paliparan 3 Dasmariñas.
Kinilala ni Police Chief Insp. Tony Yarra, hepe dito ang biktima na si Marjorie, ng bayang nabanggit.
Kasalukuyan namang nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang may kagagawan ng nasabing krimen.
Batay sa isinagawang imbestigasyon ni SPO2 Lorenzo Balbuena, may hawak ng kaso na ganap na alas-7 ng gabi nang matagpuan ang bangkay ng biktima nina John Doronila, 21 at Richard Berignel, 28 na pawang mga pinsan ng biktima.
Halos wasak umano ang bibig ng biktima at tadtad ito ng saksak sa leeg at may teorya ang pulisya na posible umanong tinambangan ang biktima ng hindi nakilalang suspect at pinaslang ito.
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pa ring maibigay na malinaw na motibo ang pulisya, habang nagsasagawa ng follow-up operation para sa ikalulutas ng kaso. (Cristina G. Timbang)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended