^

Probinsiya

Paslit tinangay ng yaya

-
BULACAN – Isang 4-anyos na batang babae ang iniulat kahapon na tinangay mismo ng kanyang yaya sa Maria Ramos Village, Brgy. Abangan Sur, Marilao ng lalawigang ito.

Kinilala ang biktima na si Stephany Sarno, samantalang targert na ngayon ng manhunt operation ng pulisya ang suspect na si Monina Adman, 15-anyos, dalaga, tubong Catbalogan, Western Samar.Batay sa ulat ng pulisya, dakong alas-4 ng hapon noong Lunes ng tangayin ng suspect ang paslit.

Nabatid na iniwanan ng mga mag-asawang Sarno ang kanilang anak sa kanilang bahay sa nabanggit na lugar upang pumasok sa trabaho ngunit sa halip na bantayan ay tinangay ng suspect ang paslit.

Nananawagan naman ang pulisya sa sinumang nakakaalam sa kinalalagyan ng biktima at suspect na kaagad na ipagbigay-alam ito. (Efren Alcantara)

vuukle comment

ABANGAN SUR

BATAY

BRGY

CATBALOGAN

EFREN ALCANTARA

ISANG

MARIA RAMOS VILLAGE

MONINA ADMAN

STEPHANY SARNO

WESTERN SAMAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with