2 most wanted nadakma
January 18, 2006 | 12:00am
CAMARINES NORTE Bumagsak sa kamay ng pulisya ang dalawang kalalakihan na pinaniniwalaang most wanted sa bayan ng Labo, Camarines Norte sa isinagawang magkahiwalay na operasyon, kamakalawa. Kabilang sa nadakip na suspek ay nakilalang sina Allan Obog, 30, ng Barangay Malasugui sa bayan ng Labo at Joel Reyes, 27, ng Barangay Tulay na Lupa. Napag-alamang si Obog ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Aurea Peñalosa-Fermo ng Labo Municipal Trial Court, samantalang si Reyes ay inaresto sa bisa ng warrant of arrest ni Judge Franco Falcon ng Regional Trial Court Branch 64. (Francis Elevado)
CAMP VICENTE LIM, Laguna Apat na kalalakihan na pinaniniwalaang miyembro ng sindikato ng carnapping ang nasakote ng mga tauhan ng pulisya sa isinagawang operasyon sa bahagi ng Barangay Calfos sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Jonathan Fulfoso, 25; Lito Macasaya, 31; Noel Lleones, 18; at Emerzon Cosio na lider ng grupong "Pagsawitan". Narekober sa mga suspek ang limang motorsiklo na walang plaka matapos na ireklamo ng mga biktimang sina Carmelita Ambrosio at Lolita Caliw. Tugis naman ng pulisya ang dalawang pang suspek na sina Christopher Gallardo at Abel Piniera. (Ed Amoroso)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
















