^

Probinsiya

27 GRO arestado

-
CAVITE – Inaresto ng pulisya ang may 27 kababaihan sa 3 videoke bars sa bayan ng Dasmariñas sa isinagawang raid sa mga bahay-aliwan alinsunod sa ‘Oplan sagip Nena’ ni Cavite provincial director Sr. Supt. Benjardi Mantele kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Chief Insp. Tony Yarra, ganap na alas-10:30 ng gabi ng magsagawa sila ng raid sa 3 Videoke bar matapos makatanggap ng report na walang mga kaukulang working permit ang karamihan sa mga babaeng nagtatrabaho dito.

Nakatakdang sampahan ng paglabag sa Municipal Ordinance No. 05-S-98 ang mga naarestong kababaihan gayundin ang mga may-ari ng nasabing videoke bar.

Ang isinagawang operation ay alinsunod na rin sa programa ni Dasmariñas Mayor Pidi Barzaga upang maproteksyunan ang mga kababaihang nagtatrabaho sa mga nasabing bar at upang maayos na maipatupad ang nasabing ordinansa. (Cristina Go-Timbang)

vuukle comment

AYON

BENJARDI MANTELE

CHIEF INSP

CRISTINA GO-TIMBANG

DASMARI

MAYOR PIDI BARZAGA

MUNICIPAL ORDINANCE NO

SR. SUPT

TONY YARRA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with