^

Probinsiya

Lola arestado sa panunuhol

-
SAN MATEO, Rizal – Kalaboso ang kinahantungan ng isang 58-anyos na lola makaraang suhulan ng P5,000 ang isang tauhan ng pulisya kapalit ng kalayaan ng isang lalaki na nasakote sa pot session sa bahagi ng Barangay Maly sa bayan ng San Mateo, Rizal kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ng bribery ang suspek na si Liza Payong ng Sitio Ibayo ng nabanggit na barangay.

Ayon kay P/Supt. Mario Lico, hepe ng pulisya sa bayan ng San Mateo, nadakip ang suspek dakong alas-11:45 ng umaga sa isang fastfood chain matapos ang entrapment operation.

Napag-alamang tinawagan ng suspek si SPO1 Edilberto Cariño upang aregluhin ang pagkakadakip kay Glen Calisura sa kasong droga kasama pa ang dalawang kalalakihan.

Lingid sa kaalaman ng suspek ay sumailalim na siya sa entrapment operation ng pulisya sa naturang lugar at habang inaabot ang P5,000 kay SPO1 Cariño ay dinakma na siya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AYON

BARANGAY MALY

EDILBERTO CARI

EDWIN BALASA

GLEN CALISURA

LIZA PAYONG

MARIO LICO

RIZAL

SAN MATEO

SITIO IBAYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with