Van vs trike: 3 patay
December 28, 2005 | 12:00am
SAN FELIPE, Zambales Tatlong sibilyan ang kumpirmadong nasawi, habang tatlo pa ang nasa kritikal na kalagayan makaraang sumalpok ang traysikel sa kasalubong na van sa hangganan ng San Narciso at bayan ng San Felipe, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ni P/Senior Inspector Quintin Mascarina, ang mga biktimang namatay na sina Concepcion Monton, 69, ng Barangay Gareta, Poblacion, Palauig; Berlyn Mapacpac ng Uacon, Candelaria; at Reynante Monton, 37.
Ginagamot naman sa San Marcelino District Hospital ang mga sugatang mag-uutol na sina Ruben, 18; Emmy 7; at Annalyn Monton.
Nabatid na binabagtas ng traysikel ang kahabaan ng highway patungong hilaga at pagsapit sa bukana ng Macolcol Bridge sa pagitan ng dalawang bayan ay sumalpok sa kasalubong na van (WCY-171) na minamaneho ni Lozarito Angeles, Jr. 40, ng Barangay Mabayuan, Olongapo City.
Kaagad namang pinagtulungan ng mga nakasaksi sa sakuna ang mga biktima sa nasabing ospital kung saan kinalawit ni kamatayan.
Sumuko naman sa himpilan ng pulisya ang drayber ng van na nahahaharap ngayon sa kasong multiple homecide, serious physical injuries at reckless imprudence, ayon sa pulisya.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest