^

Probinsiya

Mag-utol na minero kinatay

-
CAMP SIMEON OLA, Legazpi City — Pinagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ang mag-utol na minero ng kanilang kainuman ng alak sa Barangay Puro sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi.

Nagtamo ng maraming sugat ng patalim sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktimang sina Jonel, 28, may asawa at Ronald Bangalisan, 24, binata, kapwa naninirahan sa Barangay Amurog ng bayang nabanggit.

Isa sa dalawang suspek na ngayon ay nakapiit sa himpilan ng pulisya ay nakilalang si Arnel Balaquit, samantalang tugis naman ang isa pang suspek na si Gerry Andaya, kapwa residente ng Sitio Sinawayan, Barangay Banga ng naturang bayan.

Napag-alamang magkakasamang nag-iinuman ng alak ang mag-utol at dalawang suspek nang magtalo sa partihang kinita sa pagbebenta ng ginto mula sa minahan.

Dahil sa pawang mga lango sa alak ay nagawang pagtulungang saksakin hanggang sa mapatay ng mga suspek ang mag-utol.

Hindi naman nakalayo ang isa sa suspek at nasakote ng mga awtoridad habang ang isa pa ay nakatiyempong makapuga. (Ed Casulla)

vuukle comment

ARNEL BALAQUIT

AROROY

BARANGAY AMUROG

BARANGAY BANGA

BARANGAY PURO

ED CASULLA

GERRY ANDAYA

LEGAZPI CITY

RONALD BANGALISAN

SITIO SINAWAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with