3-katao niratrat; 1 patay
December 21, 2005 | 12:00am
CAVITE Isang 27-anyos na lalaki ang iniulat na nasawi habang dalawa pa nitong kaibigan ang malubhang nasugatan makaraang ratratin ng mga hindi kilalang kalalakihan sa bahagi ng Barangay Sampaloc 1, Dasmariñas, Cavite kahapon ng madaling-araw. Napuruhan sa dibdib ang namatay na biktimang si Rhoederick Uy, samantalang sina Jesper Alvaran, 23; at Adrian Barbuco, 23 ay tinamaan ng bala ng baril sa likuran at ulo. Ayon kay PO3 Edgar Belza, magkasamang nag-iinuman ng alak ang tatlong biktima sa tindahan na pag-aari ni Rolando Ignacio nang lapitan ng mga armadong kalalakihan. Walang kaabug-abog na pinaputukan ng baril ang mga biktima hanggang sa magkakasunod na bumulagta. May posibilidad na pinagtripan ng grupo ng suspek ang mga biktima, ayon sa pulisya. (Cristina Timbang)
CAMP SIMEON OLA , Legazpi City Maagang sinalubong ni kamatayan ang isang 3-anyos na lalaki makaraang madulas at mahulog sa ilog habang naglalaro kamakalawa ng hapon sa Barangay San Roque sa bayan ng Poblacion, Bula, Camarines Sur. Kasalukuyan pang hinahanap ng mga search and rescue team ang nawawalang biktimang si John Carm Vidandor matapos na tangayin ng tubig-ilog. Sa ulat ng pulisya, huling namataan ang biktima na naglalaro sa gilid ng ilog malapit sa kanilang bahay. Ipinagbigay-alam na ng mga awtoridad sa ibang opisyal ng barangay sa kalapit bayan na matyagan ang bahagi ng ilog na posibleng inanod ang bangkay ng biktima. (Ed Casulla)
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 2 hours ago
By Cristina Timbang | 2 hours ago
By Tony Sandoval | 2 hours ago
Recommended