^

Probinsiya

Army intel officer todas sa ambush

-
KAMPO SIMEON OLA, Legazpi City – Isang Army intelligence officer ang nasawi at nakaligtas naman ang dalawang kasamahan nito matapos na pagbabarilin ng mga miyembro ng rebeldeng New People’s Army ( NPA ) kamakalawa ng gabi sa Brgy. Poblacion, Capalonga, Camarines Norte.

Nakilala ang nasawi na si Sgt. Mario Jakusalem, 34, intelligence officer ng 31st IB ng Phil. Army at naninirahan sa naturang lugar.

Batay sa ulat ng pulisya ang insidente ay naganap dakong alas-7 ng gabi habang ang biktima at dalawang kasamahan nito ay kumakain ng kanilang hapunan nang pagbabarilin ng mga rebelde.

Nakaligtas naman sa insidente ang dalawa nitong kasamahang sundalo na nagawang makapagkubli at gumanti ng putok sa mga rebelde na halos tumagal ng 5 minuto bago ang mga ito nagsitakas lulan ng isang L - 300 van patungo sa direksyon ng Sitio Cabibiroc, Brgy. Alyao ng naturang munisipalidad.

Sa kasalukuyan, patuloy ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng mga sundalo na responsable sa insidenteng ito. (Ed Casulla)

vuukle comment

ALYAO

BATAY

BRGY

CAMARINES NORTE

ED CASULLA

ISANG ARMY

LEGAZPI CITY

MARIO JAKUSALEM

NEW PEOPLE

SITIO CABIBIROC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with