^

Probinsiya

San Mateo Landfill tinuluyang ipasara ng Supreme Court

-
Tuluyan nang ipinasara ng Supreme Court (SC) ang San Mateo Landfill makaraang tambakan ng basura mula sa Metro Manila makaraang mapatunayang may masamang epekto sa kapaligiran at kalikasan.

Ipinaliwanag ng SC na bukod sa pagkakaroon ng hindi magandang epekto sa kalusugan ng mamamayang nakapaligid dito ay marami pang nalalabag na batas ang pagpapatuloy ng operasyon ng landfill.

Ayon pa sa kataas-taasang hukuman, lumalabas sa kanilang pagsusuri na l989 pa lamang ay may napag-alaman na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nakasisira sa kapaligiran ang San Mateo Landfill kaya agad na sinuspinde nito ang Environmental Compliance Certificate o ECC para dito.

Binigyang-pansin pa ng hukuman ang pagkakasakit ng mga estudyante sa paaralang may 100 metro ang layo sa landfill gayundin ang pagkakaroon ng mga malalaking langaw sa lugar na nagsisilbing carrier ng mga sakit at panganib sa kalusugan ng mga residente.

Apektado rin ng landfill ang tubig na dumadaloy sa Wawa Dam at Boso-Boso River na umaagos patungo sa Laguna de Bay. Sa kabila nito, ipinilit pa rin ng administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos ang pagpapatuloy sa operasyon ng nasabing landfill sa pamamagitan ng pagpapalabas sa Proclamation 635 na nagdedeklarang hindi sakop ng landfill ang Marikina Watershed Reservation.

Ayon sa SC, labag ang nasabing deklarasyon sa Ecological Solid Waste Management Act na nagbabawal sa pagkakaroon ng landfill sa watershed areas.

Binigyang-diin pa ng Korte Suprema na labag din sa isinasaad ng local government code ang operasyon ng landfill dahil kailangang may konsultasyon at pagsang-ayon muna mula sa lokal na pamahalaan ang anumang programa o proyektong nais ipatupad ng estado o gobyerno. (Grace Amargo-dela Cruz)

AYON

BINIGYANG

BOSO-BOSO RIVER

DEPARTMENT OF ENVIRONMENT AND NATURAL RESOURCES

ECOLOGICAL SOLID WASTE MANAGEMENT ACT

ENVIRONMENTAL COMPLIANCE CERTIFICATE

GRACE AMARGO

KORTE SUPREMA

LANDFILL

SAN MATEO LANDFILL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with